She's Complicated
She's Complicated
She's Complicated
She's Complicated
She's Complicated

She's Complicated

Regular price ₱450.00 Sale

Ibinaba ko ang dalang maleta habang nakatingin sa malaking bahay na nasa harapan ko. Parang hindi pa ako makapaniwala na itong bahay na nakikita ko ang titirhan ko sa mga susunod na buwan, and maybe, taon. Grabe, napakalaki, eh. Big time!

“Tama naman siguro ‘yung nasa address.” Bulong ko sa sarili. Mula sa suot kong jeans na faded black ang kulay ay kinuha ko ang phone ko. I dialled her number quickly. After few rings ay sumagot ito na kaagad kong ikinangiti, “North, nandito na ako sa tapat ng mansyon mo.”

Sukat doon ay tumawa ang kausap ko. “Maka-mansyon ka. Bahay ‘to!”

“Oo na, oo na,” natatawang sagot ko, “sunduin mo na ‘ko rito.”

“Okay, wait for me.”

+++

A5, 489 pages

++++

Written by InsaneSoldier

InsaneSoldier is a 20 year old Psychology student, studying in the Cavite State University. She’s been writing in Wattpad since 2014 and has been making novels since then. Years from now, she envisions herself as a psychologist, and probably, still studying a lot. Of course, she can still see herself as a passionate writer.