Ms. Fearless vs Mr. Fierce
Ms. Fearless vs Mr. Fierce
Ms. Fearless vs Mr. Fierce
Ms. Fearless vs Mr. Fierce
Ms. Fearless vs Mr. Fierce

Ms. Fearless vs Mr. Fierce

Regular price ₱499.00 Sale

Alam ni Melissa kung gaano kababa ang tingin sa kanya ng mayaman, arogante at gwapong si Dean Kenneth Hermoso. Subalit sa kabila noon ay nanatili pa rin siyang malakas ang loob at taas ang noo. Dahil sa pagkamatay ng kanyang ama, napilitan si Mel at ang kanyang ina na magpa-ampon sa isang sikat na film maker na ama ni Kenneth. Desidido si Melissa na anoman ang mangyari ay hinding-hindi siya magpapatalo kahit ilang beses pa siyang laitin ng binata.

 

Ngunit paano kung ang kanyang pagkagalit kay Ken ay nauwi sa pagmamahal? Higit pa siyang nalito sapagkat nalaman nila ang lihim na pag-iibigan ng kanilang mga magulang at napipintong pagpapakasal. Na magiging daan upang higit siyang kamuhian ni Kenneth dahil magiging magkapatid na sila. Magulo. Masalimuot.

Magiging mas magulo pa dahil may nakaraan sa buhay ni Kenneth na naging rason upang mapoot siya ng abot hanggang langit at gumanti sa totomboy-tomboy ngunit nakakamangha at nakakabighaning si Mel. Ang nakaraan na dinala ni Ken sa kanyang dibdib.

 

Umaatikabong bangayan at taguan ng tunay na damdamin. Paano aaminin nina Kenneth at Melissa ang tunay nilang nararamdaman? Who will win the battle? Mananalo ba ang matapang na si Melissa sa mabangis na si Kenneth na kayang bilhin ang lahat ng bagay pati na ang pag-ibig niya?



+++
Written by Mar Mojica

6” x 9”, 445 pages