Magenta Academy
Magenta Academy
Magenta Academy
Magenta Academy
Magenta Academy

Magenta Academy

Regular price ₱350.00 Sale

Magic? Totoo ba'yun? Ewan, basta alam ko sa mga fairytale ko lang nakikita at napapanuod 'yun. Ang sarap isipin kung mayroon kang kapangyarihan. Para sa akin ay astig 'yun kapag nangyari sa totoong buhay. Isipin mo kasi ay kapag nag ka-magic ka ay magiging astig ang tingin ng mga tao sa'yo. Saka maipagta-tanggol mo ang sarili mo mula sa mga masasamang loob.

Oo, nakakatawa mang isipin, pero pangarap ko ang magkaroon ng kapangyarihan o ‘yung tinatawag nilang special ability kahit alam naman nating mga kathang isip lang ang mga magic-magic na'yan.

Hanggang isang araw ay may apat na tao ang biglang sumulpot sa kwarto ko at kinuha nila ako. No, hindi pala sila basta tao lamang. Mga tao silang may mga special ability. Dinala nila ako sa kakaibang lugar na kung saan, lahat ng mga tao ay may magic.

Taong may mga kapangyarihang KIDLAT, TUBIG, APOY, YELO at kung anu-ano pa. Dinala nila ako sa lugar na tinatawag nilang MAGENTA ACADEMY. Nararapat lang daw akong makisalamuha sa kanila dahil isa rin daw akong taong may special ability. Sa madaling salita, hindi daw ako pang-karaniwang tao lamang. Isa akong babaeng may kakaibang kapangyarihang taglay.


+++

Details

Magenta Academy
Written by Lia Collarga Siosa
Trade Paperback, 280 pages
Written in Tagalog