My Despicable Prince
My Despicable Prince
My Despicable Prince
My Despicable Prince
My Despicable Prince

My Despicable Prince

Regular price ₱375.00 Sale

Alam lahat ni Patricia Louise Navarro ang tungkol kay Lawrence saavedra. ID number, grade sa final exam nito, mga paborito nito, ex-girlfriends, fling at marami pa. Pero isang bagay lang ang hindi pa niya nalalaman: iyon ay kung paano ito paibigin.

Dalawang beses siyang nagtapat ng pag-ibig sa binata sa harap ng maraming tao pero patay malisya lang ito. Matigas pa sa bato ang puso ni Lawrence. Kung gaani siya kapursigidong lapitan ito ay ganoon naman kadesidido itong ipagtabuyan siya.

"I'll make you mine Lawrence Saavedra! Itaga mo 'yan sa matigas mong puso! Hindi ko man siya mapapalitan, gagawa ako ng puwang ko diyan sa puso mo hanggang sa ako nalang ang laman niyan." Matigas niyang pahayag."Give me a month at kapag hindi ako magtatagumpay na paibigin ka ay ako mismo ang aalis sa buhay mo. Ora mismo, magpapakasal ako kay Kiel!"

"Witch!" si Lawrence.

Lumipas ang isang buwan ay "game over na. Talo siya. Masakit man ay pinili niyang lubayan ang binata katulad ng ipinangako niya dito.

Paano kung sa muli nilang pagkikita ay isang estranghero nalang si Lawrence para sa kaniya? Sa bago niyang katauhan bilang si Samantha Andres, hindi na niya nakikilala ang binata. Paano kung isip lang niya ang hindi nakakaalala pero ang puso niya'y hindi nakalimot. Hindi niya napigilan ang pag-usbong ng damdamin niya para dito.

 

++

by Tamz

A5, 163 pages, full-color cover